Bagama't palaging malamig ang klima sa kalagitnaan ng Pebrero, hindi kailanman hindi naging masarap ang beef pho. Ang kabisera ng Vietnam – ang Hanoi – ang nangunguna sa aming listahan ng mga up-and-coming na foodie city, kaya naman hindi nakakapagtakang ang Southeast Asian na bansang ito ang tahanan ng ilan sa mga paborito naming pagkain para manatiling mainit ngayong taglamig.
I-enjoy ang alinman sa mga tradisyonal na Vietnamese na pagkaing ito kapag mag-isa, o lumabas kahit na malamig at pumunta sa isa sa mga pinakamasasarap na sabaw sa malapit kasama ng mga kaibigan. Anuman ang piliin mo, siguradong mabubusog ka.
Narito ang ilan sa mga nangunguna naming Vietnamese na pagkain para manatiling mainit ngayong taglamig:
Ang Bún chả ay sister dish ng phở na hindi kasingsikat pero kasingsarap ng phở. Ang delicacy na ito ay madalas na may cold broth, at malasa at charcoal grilled na liempo na nakalagay sa rice noodles. Ang pinakamasarap na bahagi ng bún chả? Maaaring i-enjoy ang pagkaing ito, na aprubado ng pangulo, kapag almusal, tanghalian, o hapunan kapag nagtitipid sa Hanoi.
Ang malutong na fried rice balls na ito ay puno ng masarap na giniling na karneng baboy at inihahain ito kasama ng matamis at maalat na patis na bagay na bagay sa malasang laman ng cake. Ang Bánh rán mặn ang isa sa mga pinakasikat na street foods sa Vietnam, at ayon sa mga kwento, nakakapagpagaan ng pakiramdam ang pagkain nito kasama ng mga kaibigan.
Naghahanap ka ba ng panghimagas pagkatapos humigop ng malasang sabaw at kumain ng masarap na fried cake? Isang kagat lang sa mga sticky rice ball na ito na binalutan ng ginger syrup, gugustuhin mong mag-book ng trip papuntang Vietnam para takasan ang lamig. Masarap ang malagkit na rice balls na puno ng makapal na mung bean paste kung susundan ng idlip.
Sa pagdaan ng panahon, ,magbabago na naman ang season at magkakaroon na naman ng ibang pagkaing masarap kainin. Kaya, kapag nagsawa ka na sa pho, iwanan na ang iyong coat at subukan ang mga international na street market na ito para tikman ang isa pang masarap na Vietnamese food: ang báhn mi.