Ngayong linggo, inihandog ng Western Union Foundation ang Denver Nuggets “Court of Dreams” experience, isang pambihirang pagkakataon para maglaro sa Nuggets game court sa Pepsi Center ang mga pambabae at panlalaking varsity basketball team mula sa Denver West High School sa Denver.
Pinili ng Denver Public Schools (DPS) Foundation ang team at may isa itong diverse na pangkat ng mga mag-aaral mula sa anim na area DPS school na nagsama-sama para magharap-harap sa ilalim ng pangalang Denver West. Bukod sa pagtuon nila sa sport, nagpakita rin ang mga mag-aaral na ito ng sipag at tiyaga sa labas ng court para matiyak na mahusay silang nakakapag-aral sa abot ng kanilang makakaya.
“Isa itong napakahusay na pangkat ng mga kabataang may matataas na pangarap, at matinding kagustuhan at tiyaga para abutin ang mga iyon,” sabi ni Elizabeth Roscoe, Executive Director ng Western Union Foundation. “Nasasabik kaming ibigay sa kanila ang kamangha-manghang pagkakataong ito para ipaalam sa kanilang kinikilala ang kanilang pagsisikap.”
Nagkaroon ng practice session at scrimmage ang tatlumpu't walong varsity basketball player mula Denver West High School sa Denver Nuggets Court kung saan nag-coach ang retiradong Nuggets player at coach na si Mark Randall, at ang retiradong NBA player na si Ervin Johnson. Nasorpresa rin ang mga high school player nang bigyan sila ng mga ticket sa isang nalalapit na laro ng Denver Nuggets laban sa Los Angeles Lakers sa Marso 9, kung saan iimbitahan sila sa court sa halftime.
Ang “Court of Dreams” experience ay suportado ng Western Union, na dati nang nag-anunsyo noong 2017 na ito ang magiging unang corporate jersey sponsor ng Denver Nuggets, na lalong nagpatatag sa hometown commitment ng Western Union.