Lahat tayo, gustong makatulong sa nangangailangan. Pero sa dami ng charity, mahirap malaman kung napupunta ba sa tama ang donasyon mo. Mag-ingat sa mga pekeng NGO at manloloko na nagpapanggap na mga social worker o charity owner.
Sa dami ng mga sakuna, posibleng marami ring nanghihingi ng relief funds para sa mga biktima o naglipana ang malulungkot na kuwento sa email tungkol sa isang humanitarian cause. Pero, hindi mo kailangang magpaloko kung tutulong ka sa iba. Kaya naman, kailangan natin matutunan kung paano tutukuyin ang mga mapanlinlang na fundraiser.
Iwasan nating samantalahin ng mga scammer ang kabutihang-loob natin, at tukuyin natin sila habang maaga. Nakalista sa ibaba ang ilang karaniwang red flag ng charity scam:
- Pamimilit – Makakatanggap ka ng hindi inaasahang tawag na pinipilit kang magpadala agad ng donasyon. Puwede nilang hilingin sa iyo na mag-wire ng pera gamit ang isang money transfer service gaya ng Western Union. Sa mga lehitimong charity, hahayaan ka nilang mag-donate kung kailan at kung paano mo gusto.
- Maruruming diskarte – Makakatanggap ka ng thank you message mula sa isang charitable organization kahit hindi ka nag-donate sa kanila. Sa paglapit nila sa iyo, magbibigay sila ng mga malabo at hindi totoong pahayag. Palaging may emosyong kasangkot sa mga ganitong diskarte.
- Patunay ng donasyon – Required ang mga nonprofit na mag-issue ng mga donation receipt, kaya red flag ang hindi mo pagkakaroon ng resibo o kung kulang ito ng mga tamang detalye gaya ng pangalan ng organisasyon.
- Mga garantisadong return – Layunin ng mga charity na makatulong sa iba, hindi ang payamanin ka. Kung may nangangako sa iyo ng malalaking return sa donasyon mo, siguradong scam ’yan.
Ngayon, tingnan natin kung paano makakaiwas sa charity fraud. Narito ang ilang tip para mautakan ang mga scammer sa sarili nilang panloloko:
Gawin ang homework mo:
- Sa mga mapagkakatiwalaan lang na organisasyon mag-donate, at iwasan ang mga gaya-gaya.
- Huwag magbigay ng mga personal na detalye, gaya ng bank account number. Gumamit ng tseke o credit card para sa mas mataas na seguridad (at mas madaling chargeback kung magkakaproblema).
- Palaging humingi ng mga lisensya, registration, at mga katulad na verification document.
- Gawin ang homework mo bago magbigay ng pera. Tingnan ang kanilang website, phone number, at postal address. Magbasa ng mga online review at makipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya bago magbigay ng pera. Magtanong sa kung paano gagamitin ang pera mo at kung magkano ang talagang mapupunta sa misyon vs sa admin department ng charity.
- Kapag nagbabayad online, tiyaking secure ang kanilang website. Hanapin ang ‘https/’ sa simula. Kung wala itong ‘s’, posibleng hindi ito secure. Huwag magbukas ng mga random na payment link o email attachment, kahit mukhang pamilyar ang mga ito.
Tandaan, malaki na ang maitutulong ng kaunting research. Matitiyak mo na talagang makakagawa ng pagbabago ang kabutihang-loob mo sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga charity scam.
Para sa higit pang impormasyon sa iba pang uri ng panloloko at kung paano ito ire-report, bisitahin ang aming page ng Fraud Awareness.