Makatipid Habang Nagta-travel

Go Global By Emily Larson February 20, 2018
Ni Catherine Belandres, empleyado ng Western Union Walang duda, pera ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat ikonsidera kapag nagta-travel. Maaaring maging mahirap ang pagtitipid para makapag-travel habang binabayaran ang iyong mga bill sa bahay. Pero hindi dapat maging mahal ang pagta-travel. Maaari kang mag-travel nang tipid sa badyet. Narito ang mga tip para mapagkasya mo ang iyong badyet habang nagta-travel ka!
  • Maglakad
Kailangang magtipid ng pera sa transportasyon? Makakatipid ka ng pera sa paglalakad at mas mae-enjoy mo nang mas matagal ang pinakamagagandang lugar sa bansa. Maganda rin itong ehersisyo.
  • Manatili sa isang Hostel o Camping Ground
Kalimutan na ang hotel! Makakatipid ka sa pagta-travel kung mananatili ka sa isang lokal na hostel. Sa ibang lugar, pwede kang magtayo ng tent nang libre. Dahil accommodation ang pinakamalaking bahagi ng iyong badyet, hindi ka lang makakatipid sa mga ito, mae-enjoy mo pa ang karanasan mo sa pagta-travel!
  • Mag-travel sa gabi
Kung magta-travel ka papunta sa kabilang dulo ng bansa, lalo na sa malalaking bansa tulad ng Chile, mag-travel sa gabi gamit ang pampublikong bus. Makakatipid ka sa accommodation mo sa gabi at mas mura ang mga pampublikong bus kumpara sa mga domestic na flight.
  • Magluto ng sarili mong pagkain o kumain ng mga street food
Mas mura ang pagluluto ng sarili mong pagkain kaysa sa pagkain sa labas kasama ng mga kaibigan. Maaaring mahal ang ilang pagkain, lalo na sa mga lugar na sikat sa mga turista. Mabilis at mura ang mga street food! Maranasan ang higit pa sa kultura ng lugar sa pamamagitan ng panonood sa mga lokal kung paano nila inihahanda at iniluluto ang pagkain sa harap mo.
  • Humanap ng libre o murang mga aktibidad
May libreng mga walking tour ang ilang bansa (https://www.freetour.com/). Maglalakad kayo bilang grupo, at may guide kayong mga lokal na volunteer. Opsyonal ang pagti-tip. Sa halip na magbayad sa mga pribadong pang-araw na tour, makatipid sa pamamagitan ng paggawa ng sarili mong itinerary. Maaari kang maglakad papuntang mga pampublikong library, museum, lokal na parke o beach.
  • Iwasan muna ang kape o alak
Mas maganda nang gumastos para sa karanasan sa pagta-travel, kaysa gumastos para sa alak para magkaroon ng hangover kinabukasan. Sa halip na bumili ng kape, bakit hindi na lang bumili ng isang mumurahing souvenir?
  • Mag-travel sa matutumal na season
Mas mura ang airfare at public transportation sa ilang partikular na panahon ng taon. Mag-research at alamin ang matutumal na season sa bansang pupuntahan mo. Kung flexible ang iskedyul mo para sa pagta-travel, makakapag-travel ka sa panahong kakaunti ang turista at mura ang mga hostel at aktibidad.
  • Gumamit ng cash
Sa paggamit ng cash, mas kontrolado at mas kita mo ang badyet mo sa pagta-travel. Mahahati mo ang pang-araw-araw mong badyet at masusunod mo ito. Maaaring maging mas mahal ang paggamit ng credit card dahil sa mga bank fee at exchange rate mula sa bansa kung saan ka nagta-travel. Bantayan ang iyong paggastos sa pamamagitan ng paggamit ng cash! Sa madaling salita, hindi dapat maging hadlang ang pera sa pagta-travel at pagkakaroon ng mga bagong karanasan habang ine-explore mo ang iyong destinasyon. Good luck!