Sa Western Union, alam namin na karamihan sa inyo, ang tahanan ay higit sa isang lugar. Habang nagtatrabaho ka at sinusubukan na manatiling ligtas sa isang panig ng daigdig, nararamdaman mo ang higit na pagmamahal at responsibilidad para sa inyong pamilya at mga minamahal sa buong daigdig habang sama-sama nating nilalabanan ang COVID-19 sa buong mundo. Bilang isang taong naninirahan sa labas ng kanyang bansang sinilangan na tulad ko, lubos kong nauunawaan.
Ikaw at ang iba pa naming 150 milyong customer ay nagtitiwala sa amin na ipadadala ang iyong pera. Ginagawa namin ang aming tungkulin na ipadala ang iyong pera sa mga lugar, kung saan at kung kailan mo kailangang-kailangan – higit sa lahat ay sa mga oras na walang katiyakan.
Ang Western Union ay bukas para sa negosyo. Ang WU.com ay magagamit sa mahigit na 70 bansa at teritoryo, at ang Western Union Mobile App ay magagamit sa 40 bansa. Maaari kang magpadala ng pera, subaybayan ang pagpapadala ng pera, at tingnan ang presyo at halaga ng palitan 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang lingo sa mga digital channel na ito.
Bilang karagdagan, ang mga lokasyon ng retail Agent ay aktibo at bukas. Tumatanggap sila at nagbabayad ng cash sa mga transaksyon, maliban sa mga lugar kung saan ang Western Union at ibang mga negosyo ay ipinag-utos ng mga lokal na awtoridad na suspendehin ang operasyon. Hinihimok namin ang aming mga customer na tingnan ang agent locator para sa pinaka-angkop na impormasyon, at tawagan ang kanilang lokasyon bago magpunta.
Maaaring simulan ng mga customer ang transaksyon sa pamamagitan ng WU.com o sa Western Union Mobile App at magpadala ng pera sa bank account o digital wallet sa mahigit 100 bansa. Magpapadala ka man ng pera sa pamilyang nasa bahay o sa minamahal na hindi makaalis sa ibang bansa, maasahan mo ang Western Union na naroroon kung kailangang-kailangan mo sila.
Noong nakaraang buwan, ang Western Union at ang Western Union Foundation ay naglunsad ng USD $1M na tutugma sa pandaigdigang hamon para tumulong na labanan ang COVID-19. Ang Western Union Foundation ay tumatanggap ng mga kontribusyon ngayon at hanggang sa Abril 14, 2020. Ang mga tulong ay ipamamahagi sa lokal at pandaigdigang mga NGO, kabilang ang Give2Asia at International Medical Corps para sa isinasagawang mga pagtulong sa buong mundo kabilang ang pagbili ng mga supply, kagamitan, at frontline na medikal na pagpapagamot. Maaari kang magbigay ng donasyon dito.
Nalaman ng mga tao saanman sa mundo, mula sa mga henerasyon, na mapagkakatiwalaan nila ang Western Union sa hirap at ginhawa. Layunin namin na panatilihin ang tiwala ngayon.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Western Union COVID-19 Resource Center.