Nagbibigay ang Western Union ng mga mabilis at maginhawang digital na opsyon, kabilang ang kakayahang mag-transfer ng pera sa bilyun-bilyong account. Para manguna sa industriya, kailangang maging innovative, makinig nang mabuti sa mga customer, at alamin ang mga pinakabagong trend at teknolohiya.
Nasaksihan ng digital na mundo ng money transfer ang paglago ng mga mobile wallet, at inaasahang makakaranas ito ng double-digit na paglago sa 2020, ayon sa State of the Industry Report ng GSMA. Noong 2016 lang, may lampas 174 na milyong aktibong mobile money account sa buong mundo.[i]
Bagama't matagal nang nangungunang pinansyal na instrumento ang mga mobile wallet sa Africa, nagsisimula nang sumikat sa iba pang nangungunang bansang tumatanggap ng remittance tulad ng India, Pilipinas, Latin America at China ang mga wallet dahil sa pinaigting na digitalization at financial inclusion. Sa mga bansang ito, kinakatawan ng mga wallet ang pinaka-customer friendly na digital touchpoint na kukumpleto sa digital value chain ng Western Union.
Sa isang bagong Reuters Plus video, malalaman natin mula kay Odilon Almeida, ang Western Union Global Money Transfer President, ang higit pa tungkol sa sumisikat na trend ng pagre-remit gamit ang mobile wallet.
“Ang mobile wallet ay isang pangunahing instrumento para sa financial inclusion para sa mga papaunlad na market, dahil binibigyang-daan nito ang mga customer na walang bangko na magkaroon ng access sa mga pormal na pinansyal na serbisyo sa pamamagitan ng pakikinabang sa pandaigdigang presensya ng mga mobile phone. Sa mauunlad nang market, ang mobile wallet ay nagsisilbing virtual na kapalit ng aktwal na wallet (mga credit card, identity, ticketing atbp.), at madalas itong ginagamit para sa mga retail o ecommerce na pagbili gamit ang mga smartphone.”
“Magandang halimbawa nito ang Africa. Isa itong market na direktang lumipat mula cash patungong mobile wallet, dahil hindi naging praktikal para sa kanila ang credit card,” aniya.
Ayon kay Almeida, Tinugunan ng Western Union ang ganitong trend sa pamamagitan ng pagbuo ng mga alyansa sa mga mobile network operator sa Africa, Asya, at Latin America, kaya naging posible ang mga cross-border na money transfer sa mga wallet mula US, Europe, at higit pa.
“Naging diskarte ng Western Union ang pag-tap sa mga market na mauunlad na,” aniya.
Nakipag-partner ang Western Union sa 17 mobile network operator sa 13 bansa, kaya naging posible ang cross-border na money transfer sa wallet na karamihan ay nagmula sa US at Europe.
Nagkaroon ng pagkakataon si Almeida na tuklasin ang dalawang interesanteng mundo, bilang pinuno ng global money transfer ng Western Union at bilang isang Officer ng Millicom. “Naging isang natatanging karanasan ang pagtingin sa mobile wallet mula sa loob bilang isang operator, habang nauunawaan ang pagkakataon ng teknolohiya na makatawid sa mga hangganan ng mga bansa. Isang kamangha-manghang pagkakataon ang pagdugtungin ang dalawa. Mukhang maaari na nating sabihing magiging kapaki-pakinabang sa mundo ang mga mobile wallet sa hinaharap,” ani Almeida.
Madali ang pagpapadala at pagtanggap ng mga remittance, at nakahanda na ang mobile wallet para lampasan ang mga hangganan.
https://youtu.be/3fhm8FuXcNM
[1] GSMA 2016, State of the Industry Report