Mga Kadalasang Tanong Sa COVID-19 ng Western Union

COVID-19 By Margaret Fogarty March 18, 2020

Patuloy na mahigpit na sinusubaybayan ng Western Union ang pagsulong ng COVID-19 (Coronavirus). Ang pangunahin naming alalahanin ay para sa kaligtasan ng aming mga empleyado  at kagalingan ng mga taong naapektuhan sa buong mundo. Basahin ang aming Mga Kadalasang Itinatanong o Frequently Asked Questions (FAQs) para sa mga customer namin, sa media at ibang mga pangunahing stakeholder. Papanatilihin naming i-update ang page na ito hanggang sa pagbuti ng sitwasyon.

PANDAIGDIGANG MGA OPERASYON AT MGA TANONG SA SERBISYO
Bukas ba ang Western Union?
  • Oo, patuloy kaming nagseserbisyo sa mga customer namin at nagpapatakbo sa buong mundo. Sa dinamikong sitwasyon, hinihikayat namin ang mga customer sa apektadong mga lugar para gamitin ang aming digital na mga serbisyo – magpadala o tumanggap ng pera sa pamamagitan ng pagbisita sa aming mobile appWU.com o sa aming mga digital channel na kasosyo ng bangko.
  • Nauunawaan ng Western Union na ang aming retail na mga lokasyon ng Agent sa mga lugar na may mataas na konsentrasyon sa paglaganap ng Covid-19 ay maaaring pansamantalang magsara o maaaring baguhin ang oras ng pagbubukas. Hinihimok namin ang mga customer namin na tingnan ang agent locator para sa pinaka-angkop na impormasyon, at tumawag bago pumunta upang kumpirmahin kung magagamit ang mga serbisyo at mga oras ng operasyon.
 Ano ang ginagawa ng Western Union para tulungan ang mga customer sa oras na ito?
  • Layunin namin na panatilihing gumagana ang aming digital na serbisyong retail sa buong mundo, habang sinusunod ang lokal na mga tuntunin at patnubay.
  • Nirerekomenda ng Western Union sa mga customer na nakakaranas ng mga lokal na paghihigpit dahil sa COVID-19 na gamitin ang WU.com at ang Western Union mobile app na pabilisin ang mga transaksyon para sa payout sa mga bank account at digital wallet, kung saan ay kasalukuyang magagamit sa mahigit 100 bansa.
  •  Ang Western Union at ang Western Union Foundation ay naglunsad ng USD $1M na pandaigdigang apela at pagtanggap ng donasyon hanggang Abril 14, 2020. Ang pinagsamang paligsahan ng Western Union a Western Union Foundation ay hanggang USD $500,000, at mapupunta sa mga supply, kasangkapan at medical na tulong para sa frontline.
Ipagpapatuloy mo ba ang pagpapadala o pagout na pagpapadala ng pera sa mga bansa na may dineklarang state of emergency?

Kung maaari, oo. Layunin namin na panatilihing gumagana ang aming digital at mga serbisyong digital sa buong mundo, habang sumusunod sa mga lokal na regulasyon at patnubay. Sa dinamikong sitwasyon nirerekomenda ng Western Union sa mga customer na nakakaranas ng mga lokal na paghihigpit dahil sa  COVID-19 na gamitin ang WU.com at ang Western Union mobile app  para pabilisin ang mga transaksyon para sa payout sa mga bank account at mga digital wallet, na kasalukuyang magagamit sa mahigit 100 bansa.

Paano mo malalaman kung pananatilihing bukas ang lokasyon ng retail?

Layunin namin na panatilihing gumagana ang aming digital at mga retail na serbisyoa buong mundo, habang sumusunod sa mga lokal na regulasyon at patnubay. Sa dinamikong sitwasyon nirerekomenda ng Western Union sa mga customer na nakakaranas ng mga lokal na paghihigpit dahil sa COVID-19 na gamitin ang WU.com at ang Western Union mobile app para pabilisin ang mga transaksyon para sa payout sa mga bank account at mga digital wallet, na kasalukuyang magagamit sa mahigit 100 bansa.

Kung ang pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng retail ang iyong tanging opsyon, hinihikayat ka namin na isaalang-alang ang pagkantala ng serbisyo o binagong oras ng operasyon, batay sa lokal na mga kalagayan at patnubay mula sa mga lokal na awtoridad. Gamitin ang Agent Locator para malaman ang mga oras ng serbisyo sa inyong lugar.

Hindi ako makakuha ng perang ipinadala dahil walang bukas na mga lokasyon ng agent dahil sa sitwasyon ng COVID-19.

Humihingi kami ng paumanhin dahil sa abala. Sa dinamikong sitwasyon nirerekomenda ng Western Union na gamitin ang WU.com at ang Western Union mobile app  sa mga customer na nakakaranas ng mga lokal na paghihigpit dahil sa COVID-19 para pabilisin ang mga transaksyon para sa payout sa mga bank account at mga digital wallet, na kasalukuyang magagamit sa mahigit 100 bansa.

Kung hindi ko makukuha ang perang ipinadala sa akin, ano ang mangyayari sa pera ko?

Ang perang ipinadala sa iyo ay available sa system sa loob ng 30 araw. Pagkatapos nito, kailangang tawagan ng nagpadala sa iyo ng pera ang customer service hotline ng Western Union para i-reactivate ang ipinadalang pera.

Maaari ko bang bigyan ng awtorisasyon ang isang tao para kunin para sa akin kung hindi ako pwedeng umalis ng bahay?

Para sa mga dahilang panseguridad, mga itinalagang tatanggap lamang ang maaaring kumuha ng perang padala. Gayunman, maaari mong hilingin sa nagpapadala na tawagan ang customer service ng Western Union para humingi ng refund. Ang sender ay maaaring magpadala ng bagong perang padala sa ibang tao o simulan ang digital na pagpapadala ng pera sa WU.com o sa pamamagitan ng Western Union mobile app para sa bank account payout kung saan magagamit ang mga serbisyong ito.

Totoo bang nagpapakalat ng Coronavirus ang mga perang papel?

Wala kaming dahilan para paniwalaan na ang mga perang papel ay mas malamang na nagpapakalat ng virus kaysa sa ibang mga bagay, at hindi natatangi ang Coronavirus. Ang patnubay mula sa World Health Organization ay naninindigan na ang pangunahing kalinisan ang pinakamahusay na posibleng sandata laban sa Coronavirus.

PAANO GAMITIN ANG MGA WESTERN UNION DIGITAL MONEY TRANSFER
Paano ako makapagpapadala ng pera mula sa wu.com?
  • Gumawa ng profile sa wu.com.
  • Sundin ang mga tagubilin sa screen para sa beripikasyon ng profile.
  • Beripikahin ang profile mo para direktang magpadala ng pera sa bank account, mobile wallet o para sa cash pickup sa lokasyon ng agent.
  • Pumili ng bansang papadalhan mo para makita ang mga opsyon sa payout.
Paano ako magpapadala mula sa wu.com mobile app?
  • I-download ang WU mobile app para sa Android o iOS at gumawa ng profile.
  • Sundin ang mga tagubilin sa screen para sa berepikasyon ng profile.
  • Beripikahin ang profile mo para direktang magpadala ng pera sa bank account, mobile wallet o para sa cash pickup sa lokasyon ng agent.
  • Piliin ang bansang padadalhan mo para makita ang mga opsyon sa payout.
Paano ako magpapadala ng pera sa bank account?

Pumili ng serbisyo ng Bank Account kapag nagpadala ka online o sa lokasyon ng agent. Kailangan mo ng mga detalye ng bank account ng tatanggap. Ang mga requirement ay iba’t iba ayon sa bansa, pero karaniwang kabilang ang pangalan ng bangko ng tatanggap, pangalan ng branch o code, pangalan ng account at numero.

Ano ang bank code, at paano ko mahahanap ang bank code ng aking receiver o tatanggap ng pera?

Ang bank code ay serye ng mga numero na ginamit para kilalanin ang bangko sa buong mundo. Ang mga ito ay maaaring mula 3 hanggang 23 digit depende sa bansa. Ang bank code ay maaaring kilala bilang:

  • BSB
  • SWIFT Code
  • BIC (Bank Identification Code)
  • CHIPS (Clearing House Inter-Bank Payment System) – sa US at Canada lamang
  • NCC (National Clearing Code)
  • BSC (Bank Sort Code)
  • IFSC (Indian Financial System Code)

Para sa ilang bansa maaaring kailanganin mo ang International Bank Account Number (IBAN) bilang karagdagan sa bank code.

Hingin sa iyong receiver o tatanggap ng pera ang bank code at IBAN (kung naaangkop). Maaari kang sumangguni sa aming Dumirekta sa aming impormasyon ng Bank Account ng bansa para makita kung anong mga detalye ang kailangan para sa bawat bansa.

Ano ang Bank Identification Code (BIC)?

Ang BIC ay code na ginagamit para kilalanin ang mga bangko sa buong mundo. Ang BIC ay katulad ng SWIFT code. Ang BIC ay maaaring mayroong 8 o 11 digit.

Hingin sa iyong receiver mo o tatanggap ng pera ang BIC kung kailangan ito sa kanilang bansa. Tingnan ang Dumirekta sa impormasyon ng Bank Account ng bansa para kumpirmahin ang impormasyong kakailanganin mo.

Ano ang International Bank Account Number (IBAN)?
Ang IBAN ay ginagamit sa ilang bansa na espesyal na tinutukoy ang bank account ng customer. Ang IBAN ay binubuo ng country code na naaayon sa pagkakasunod-sunod ng alpabeto kasunod ng dalawang digit, at pagkatapos ay hanggang tatlumpu’t limang karakter para sa numero ng bank account. Ang ilan sa mga bansa ay nangangailangan ng IBAN para makapagpadala ng pera mula sa Australia.

Maaari kang sumangguni sa aming Dumirekta sa impormasyon ng Bank Account ng bansa para makita kung anong mga detalye ang kinakailangan para sa bawat bansa. Hingin ang IBAN sa receiver mo o tatanggap ng pera kung kailangan.

Anong mga karagdagang tips ang dapat kong tandaan?
  • Laging tiyakin na kilala mo kung sino ang pinadadalhan mo ng pera.
  • Putulin ang tawag kung ipinag-uutos sa iyo ng taong tumatawag na sagutin ang mga tanong na hiningi ng Western Union.
  • Para sa impormasyon tungkol sa kung paano poprotektahan ang sarili mo mula sa panlilinglang, pindutin dito.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Western Union COVID-19 Resource Center.