Ang paglipat sa ibang bansa ay posibleng isa sa mga pinaka-exciting pero pinakamahirap na experience sa buhay mo. Kung magre-relocate ka para sa trabaho, pag-aaral, o para sa isang bagong simula, kasama sa proseso ang maingat na pagpaplano at konsiderasyon. Para tulungan ka sa prosesong ito, narito ang mahahalaga naming tip para matiyak ang isang swabeng transition patungo sa bago mong tahanan.
1. Checklist Bago Umalis
Makakatulong sa iyo ang isang komprehensibong checklist sa pag-alis para manatiling organized at para matiyak na wala kang malilimutan.
I-research ang pupuntahan mong bansa at mga lokal na lungsod
Bago gumawa ng anumang desisyon, maglaan ng panahon para i-research ang bago mong bansa. Unawain ang kultura, wika, klima, at mga lokal na kaugalian. Maging pamilyar sa gastos sa pamumuhay, banking, at mga sistema sa pangangalagang pangkalusugan at mga opsyon sa edukasyon kung mayroon kang mga anak. Ang mga website tulad ng westernunion.com at mga social forum ay makakatulong sa pagbibigay ng mga kapaki-pakinabang na insight at firsthand experience.
Gumawa ng isang komprehensibo at personalized na checklist sa paglipat sa ibang bansa kabilang ang mga gawain gaya ng:
-
Pasaporte, Visa, at Mga Requirement sa Immigration
Tingnan kung ano ang mga dokumentong kailangan mo para mabuhay at makapagtrabaho sa bago mong bansa.
-
Pabahay
Mag-research ng mga ligtas na komunidad at humanap ng angkop na lokasyon kung saan ka puwedeng mabuhay ayon sa kinikita mo. Ikonsidera ang mahahalagang bagay sa listahan ng mga kinakailangan mo gaya ng distansya mula sa lungsod, pampublikong transportasyon.
-
Driver’s Permit o Mag-apply para sa isang International Driver’s Permit
Alamin ang mga requirement para makakuha ng driver’s license kung plano mong magmaneho sa bago mong lokasyon. Ang bawat bansa at bawat lungsod ay may iba’t ibang regulasyon sa trapiko, at minsan ay iba-iba rin ng presyo ang mga ito.
-
Maging Matalino sa Pag-eempake
Maging matalino sa pag-eempake at i-research ang tungkol sa transportasyon ng mga pet, bisikleta, musical instrument, atbp. Maglaan ng panahon para ayusin at i-declutter ang mga gamit mo.
-
Transportasyon Pagdating sa Destinasyon Mo
Tiyaking iko-coordinate mo ang transportasyon sa lupa at sa himpapawid para sa mga taxi, ticket ng eroplano, atbp. Kapag mas handa ka, mas magiging less stressful ang malaking paglipat na ito.
May kanya-kanyang bersyon ng mga ride sharing app ang bawat lokasyon gaya ng Uber, Lyft, at marami pa, kaya pinakamaganda kung ida-download mo ang mga app na iyon sa secure na wi-fi connection para sa swabeng paglalakbay, kung gusto mong gamitin ang paraang iyon ng transportasyon pagdating mo.
2. Checklist Pagadting Mo

I-explore ang kapaligiran mo
Maglaan ng panahon para maglakad-lakad sa iyong komunidad, bisitahin ang mga lokal na market, at tumuklas ng mga parke o pasyalan sa malapit para makapa mo ang lugar.
Bumili ng bagong phone o phone plan
Ikonsidera ang pagbili ng bagong phone o phone plan na akma sa mga pangangailangan mo, dahil makakatulong ito sa iyo na manatiling konektado at ma-navigate ang bago mong lokasyon sa mas madaling paraan.
I-research kung paano magsa-sign up para sa pangangalagang pangkalusugan o healthcare
Alamin ang mga lokal na provider ng pangangalagang pangkalusugan at ang proseso ng pagpaparehistro para matiyak na may access ka sa mga medikal na serbisyo kapag kailangan.
Mag-sign up para sa Wi-Fi
Mahalaga ito para manatiling konektado sa mga kapamilya at kaibigan sa pinagmulan mong bansa, at para maka-access ng mahahalagang online resource.
Alamin ang mga nalalapat na batas sa buwis para sa mga dayuhan
Makakatulong ito sa iyo na pamahalaan ang pinansya mo at maiwasan ang anumang problemang legal.
Mag-enroll sa insurance para sa property at mga item
Bibigyan ka nito ng kapanatagan dahil poprotektahan nito ang mga gamit mo mula sa mga hindi inaasahang pangyayari at titiyakin nitong secure ka sa bago mong tahanan.
3. Kapag Nakapag-settle Ka Na
Sumali sa mga komunidad ng expat
Kadalasan, nagho-host ang mga komunidad na ito ng mga event, social gathering, at online forum kung saan puwede kang kumonekta sa iba na may mga kapareho mong experience, kaya madali kang makakahanap ng mga kaibigan at makakapag-share ng mahahalagang tip tungkol sa pamumuhay abroad.
I-explore ang kultura
I-engage at i-immerse ang sarili sa mga tradisyon, pagkain, at kaugalian sa bago mong lokasyon sa pamamagitan ng pagpunta sa mga museo, pagdalo sa mga kultural na selebrasyon, at mga lokal na event.
4. Mga Karagdagang Tip sa Paglilipat ng Mga Gamit sa Ibang Bansa at Mga Tip na Hindi Mo Puwedeng Kalimutan
Mag-hire ng magandang moving company
Maghanap ng mga internasyonal na moving company na may magagandang review at experience sa mga relokasyon sa ibang bansa. Humingi ng maraming quote at itanong ang tungkol sa kanilang mga patakaran sa insurance para protektahan ang mga gamit mo habang ibinibiyahe ang mga ito.
Unawain ang lokal na transportasyon
Alamin ang mga opsyon sa lokal na transportasyon na available sa bago mong lungsod. Ito man ay pampublikong transportasyon, pagbibisikleta, o pagmamaneho, mas mabilis kang makakapag-settle kung alam mo kung paano bumiyahe.
Pabahay
Mahalaga ang paghahanap ng naaangkop na tirahan, lalo na kung ikokonsidera ang distansya sa mahahalagang serbisyo. Kasama rito ang mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan, bangko, post office, supermarket, transportasyon, atbp. Isa pa, priyoridad ang pagtira malapit sa magagandang eskwelahan kung may mga anak ka.
5. Manatiling konektado sa mga kapamilya at kaibigan sa bansang pinagmulan.
Iba-iba ang paraan para manatiling konektado sa mga kapamilya at kaibigan sa bansang pinagmulan kapag mag-a-abroad ka:
Mga video call
Gumamit ng mga platform gaya ng Zoom, Skype, o FaceTime para sa mga face-to-face na pag-uusap. Sa pag-schedule ng mga regular na video call, makakatulong ito na makapag-maintain ng personal na koneksyon.
Mga messaging app
Gamitin ang mga messaging app gaya ng WhatsApp, Telegram, o Facebook Messenger para sa instant na komunikasyon. Kadalasan, puwede sa mga app na ito ang mga group chat, kaya mas madaling makipag-ugnayan sa maraming tao nang sabay-sabay.
Social media
Manatiling aktibo sa mga social media platform gaya ng Facebook, Instagram, o Twitter para makapag-share ng mga update tungkol sa buhay mo abroad at makabalita sa mga nangyayari sa bansa mo.
Regular na magpadala ng mga email sa mga kapamilya at kaibigan para makapag-share ng mga detalyadong update, photo, at experience. Posibleng mas personal na paraan ito ng komunikasyon.
Mga mail at balikbayan box
Ang pagpapadala ng mga postcard o balikbayan box ay isang magandang paraan para manatiling konektado at makapag-share ng bago mong buhay sa loved ones mo.
Mga online na laro at aktibidad
Mag-engage sa mga online na laro o virtual na aktibidad nang magkakasama para magkaroon ng mga shared na experience, kahit magkakalayo kayo.
Pagplanuhan ang mga pagbisita
Kung posible, pagplanuhan ang pag-uwi sa bansa o imbitahan ang mga kapamilya at kaibigan na bisitahin ka sa bago mong bansa. Mapapatibay nito ang mga koneksyon ninyo at lilikha ito ng mga hindi malilimutang alaala.
Kaalaman sa time zone
Maging maingat sa pagkakaiba ng oras kapag nagse-schedule ng mga tawag o message para matiyak na nakikipag-ugnayan ka sa mga oras na hindi nakakaabala sa lahat.
Sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga paraang ito, makakapag-maintain ka ng matitibay na ugnayan sa mga mahal mo sa buhay habang nag-a-adjust sa bago mong buhay abroad.
Mga FAQ para sa mga dokumentasyon at papeles sa ibang bansa
Iba-iba ang visa requirement ng iba’t ibang bansa depende sa layunin mo sa paglipat (trabaho, pag-aaral, para makasama ang pamilya, atbp.). Kumpletuhin ang lahat ng papeles sa immigration para matugunan ang mga lokal na requirement kung kailangan.
Tingnan kung valid ang driver’s license mo sa bago mong bansa o kung kailangan mong kumuha ng international driving permit o lokal na lisensya.
Sa maraming bansa, kailangan ng mga dayuhan na magparehistro sa mga lokal na awtoridad pagdating nila. Tingnan ang mga partikular na requirement para sa destinasyon mo.
I-research ang mga regulasyon tungkol sa pagdadala ng mga pet sa bago mong bansa, kabilang ang mga bakuna, mga requirement sa quarantine, at mga batas sa pag-import ng pet.
Banking at legal
Mag-research ng mga lokal na bangko at mga requirement nila sa pagbubukas ng account. Posibleng kailangan mo ng identification, proof of address, at local tax number kung minsan.
Kumonsulta sa isang propesyonal sa buwis para maunawaan ang mga obligasyon mo sa pinagmulan mong bansa at sa bago mong bansa.
Mag-set up ng budget, ikonsidera ang pagbubukas ng lokal na bank account, at alamin ang anumang bayarin sa foreign transaction sa iyong mga credit/debit card.
I-research ang mga legal na requirement at regulasyon sa bago mong bansa, kabilang ang anumang batas na posibleng malaki ang pagkakaiba sa pinanggalingan mong bansa.
Pabahay at mga akomodasyon
Ikonsisdera ang paggamit ng mga online real estate platform, mga lokal na classified, o pakikipagtulungan sa isang real estate agent. Kapaki-pakinabang din kung pupuntahan muna ang lugar kung posible.
Pagpasyahan kung ibebenta, ido-donate, o itatago ang mga gamit mo. Puwede mo ring ikonsidera ang pag-hire ng mga international mover para i-ship ang mga gamit mo.
Ikonsidera ang pag-set up ng mail forwarding sa postal service mo para i-share ito sa mga kapamilya at kaibigan mo, o paggamit ng virtual mailbox service para i-manage ang mail mo habang nasa abroad.
Mga Serbisyo
Tingnan ang mga requirement para mag-enroll sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng bago mong bansa. Ikonsidera ang pagkuha ng internasyonal na insurance sa kalusugan habang nagpaparehistro ka sa mga lokal na provider ng pangangalagang pangkalusugan.
I-research ang mga sistema ng pampublikong transportasyon, mga opsyon sa pagrerenta ng sasakyan, at kung kailangan mong bumili ng sasakyan. Unawain ang mga lokal na batas sa pagmamaneho kung plano mong magmaneho.
Humingi ng mga rekomendasyon mula sa mga lokal o dayuhan, tumingin ng mga online review, at gumamit ng mga lokal na directory para humanap ng mga provider ng pangangalagang pangkalusugan at iba pang mahahalagang serbisyo.
Puwede kang makakuha ng lokal na phone number sa pamamagitan ng pagbili ng SIM card mula sa isang lokal na carrier o pag-sign up para sa isang mobile plan. I-research ang mga opsyong pinakaakma sa mga pangangailangan mo.
Tingnan ang mga lokal na paaralan, mga internasyonal na paaralan, at mga opsyon para sa homeschooling. Ikonsidera ang mga salik gaya ng curriculum, wika sa pagtuturo, at mga extracurricular na aktibidad. Huwag kalimutang dalhin ang mga opisyal na record mula sa paaralan, dahil puwedeng hingiin ang mga ito.
Kultura at pakikisalamuha
I-research ang mga kultura, kaugalian, gawaing panrelihiyon, holiday, at panlipunang pamantayan ng bago mong bansa para tulungan kang mag-adjust at para maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.
Bagama’t posibleng hindi ito mandatoryo, mapapaganda nang husto ng pag-aaral ng lokal na wika ang experience mo at makakatulong ito sa iyo na makapag-integrate sa komunidad.
Sumali sa mga lokal na club, dumalo sa mga event ng komunidad, o sumali sa mga expat group para makabuo ng social network sa bago mong lokasyon.
Kilalanin ang mga nararamdaman mo, humingi ng suporta mula sa mga kapwa-dayuhan o mga lokal na kaibigan, at bigyan ng panahon ang sarili na makapag-adjust sa bagong environment.
Magbasa ng mga libro, manood ng mga video, o kumuha ng mga klase para sa kultural na oryentasyon para malaman ang mga kaugalian at etiquette ng bago mong bansa.
Makakatulong sa iyo ang mga FAQ na ito na harapin ang mga salimuot ng paglipat abroad at tiyakin ang isang mas swabeng transition sa bago mong tahanan.
6. Mga Nauugnay na Artikulo at Kapaki-pakinabang na Impormasyon
Higit pang tip at impormasyon sa paglipat sa ibang bansa:
- Paano maging expat?
- I-minimize ang mga gastos sa transaksyon sa real estate.
- Maghanap ng mga natatanging trabaho sa buong mundo.
- Mga paraan para makapag-adjust sa buhay-expat.
- Tuklasin ang mga tradisyon sa India.
- Paano mag-manage ng property sa ibang bansa?
- Mga tip sa pagpapatakbo ng business abroad.