Paano Gagamitin nang Tama ang Iyong Pera

Top Trends By Emily Larson February 19, 2018

Ni Juan Alvarado, empleyado ng Western Union

Sa Western Union, naniniwala kaming we “move money for better”; ang serbisyong ibinibigay namin ay nakakatulong sa mga pamilya sa buong mundo na makaraos, o kaya ay maisakatuparan ang kanilang mga pangarap. Pero iba-iba ang bawat indibidwal, at iba-iba ang bawat sitwasyon. Kaya naman mahalagang malaman kung ano ang dapat gawin sa perang natatanggap natin.

Maaaring napakalapit sa iyo ng isa sa mga sitwasyong ito. Isipin mong isa kang indibidwal na nasa ibang bansa, marahil ay nag-aaral ka o nagta-travel. Marahil ay bumibisita ka sa isang kaibigan o kapamilya sa malayo, kailangan nating lahat ng pera, hindi ba? Pero, ano ang pinakamagandang gawin sa perang natatanggap natin? Narito ang ilang kapaki-pakinabang na tip para makapagsimula nang maayos:

Gamitin ang 80-20 rule:

Subukang itabi ang 20% ng perang natatanggap mo at itakda ang natitirang 80% sa lahat ng iba pa. Napakasimple lang nito at isa itong magandang habit! Matutunan kung paano magbadyet at isipin ang tungkol sa magagawa mo sa isang nakabadyet na pera kada araw, linggo, o buwan. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na alam mong may mahuhugot ka sa panahon ng pangangailangan.

Magkaroon ng emergency account:

Natatandaan mo ba ang 20% pera na itinabi mo? Gawan ito ng sariling bank account! Ihiwalay ito sa pangunahin mong account, sa ganitong paraan, hindi mo ito mapapakialaman maliban na lang kung may emergency. Katulad ito ng pakiramdam kapag nakakita ka ng Php100 sa luma mong pantalon.

Maging maingat sa cash:

Minsan, may mga nangyayaring hindi maganda, pero kaya mo itong iwasan kung mag-iingat ka. Hayaan ninyong ikwento ko sa inyo ang nangyari sa akin sa isang tren sa Madrid. Sa bansa ko, hindi pa ako kailanman nawalan o nanakawan, kaya akala ko, ayos lang na dalhin ang LAHAT ng pera ko sa aking wallet. Sa madaling salita, lumabas ako sa pinakahuling istasyon nang walang wallet at walang pera sa bangko.

Magtakda ng middle o long-term na mga layuning pampinansyal:

Isa rin itong payo sa buhay, na subukang kumawala sa kasalukuyan at isipin ang hinaharap. Ang pinakamagandang paraan para gawin ito ay ang pagtatakda ng malinaw na pampinansyal na layunin, middle term man o long term. Gusto mo ba ng bagong TV? Idagdag ito sa 20% pinag-usapan natin kanina. Magdagdag ng isa pang 10% para sa layuning iyon. Gaano ito katagal iipunin? Depende sa iyo, nakadepende ito sa kung magkano ang kaya mong itabi at kung gaano katagal.

 

Sa karanasan ko, wala nang mas gaganda pa kung titingnan ang sariling pera na para bang isang kumpanya. Ano ba talaga ang kailangan ko? Ano ang gusto kong maabot? Gumagastos ba ako nang higit sa kailangan ko? Ano ang mangyayari kung sakaling magkaproblema ako? Mahalagang masagot ang mga tanong na ito.

Nakadepende sa iyo bilang receiver ang paggamit ng pera sa matalinong paraan. Isa itong personal na responsibilidad, kaya mas maganda kung magsisimula sa pamamagitan ng pag-alam sa kung ano ang magandang gawin sa kitang natatanggap mo. Ipagpatuloy natin ang paggalaw ng pera para sa pag-unlad!