Work from home. Flexible schedule. Hindi kailangan ng experience. Ito ang mga karaniwang salitang ginagamit sa mga employment scam posting.
Nakaka-excite maghanap ng trabaho, pero sa kasamaang-palad, mainit din ito sa mga scammer. Gumagamit ng iba’t ibang taktika ang mga scammer para tawagin ang pansin mo, narito ang ilang red flag na kailangan mong bantayan:
• Mga paunang bayad: Hindi hihilingin sa iyo ng mga lehitimong employer na magpadala ng pera sa pamamagitan ng mga wire transfer service o prepaid card para sa mga supply, aplikasyon, interview, o background check.
• Mga too-good-to-be-true na alok: Red flag dapat ang mga sobrang taas na sahod kapalit ng madaling trabaho, o mga pangako na garantisadong magkakatrabaho.
• Malalabong job description: Kapag naghahanap ka ng trabaho sa competitive na market na ito, maging mapagbantay sa mga alok na kulang sa mga detalye tungkol sa role o kumpanya.
Kapag naghahanap ng trabaho, palaging maging alisto. Sundin ang mga tip na ito to #BeFraudSmart:
- HUWAG kailanman magpadala ng pera kapalit ng trabaho: Kung may sinisingil sa iyo kapalit ng isang job offer, huwag itong patulan.
- Palaging mag-verify: Kilalanin ang kumpanya o alamin ang trabaho. Gumamit ng LinkedIn, Google, o mapagkakatiwalaang source para i-verify ang pagiging lehitimo ng kumpanya at tingnan ang mga review ng mga empleyado.
- Manatiling nakakaalam: Napakaraming scam sa mundo, at kahit na hindi natin kayang pigilan ang lahat ng ito, kaya naman nating magtulungan para bantayan at iwasan ang mga ito. Nakatuon kami sa pagtataguyod ng Fraud Awareness, para maging mas matalino at mas ligtas tayo sa pamamagitan ng pagtutulungan.
- Paniwalaan ang kutob mo: Kung hindi maganda ang kutob mo, malamang na tama ka. Maging maingat at huwag matakot na umatras.
- Sa iyo lang dapat ang impormasyon mo: Maging maingat sa impormasyong ibinabahagi mo. Huwag ibahagi ang iyong personal identification number o mga detalye ng bangko mo habang nag-a-apply.
Bantayan ang mga red flag at tulungan ang iba sa pamamagitan ng pagre-report ng mga ganitong scam sa lokalidad mo. Sa pagtutulungan, kaya nating maging mas matalino at mas ligtas.
Kung may humihiling sa iyo na magbayad gamit ang Western Union money transfer kapalit ng oportunidad na makapagtrabaho, i-report ito sa amin kaagad.