Mahalagang ituro sa matatanda ang mga palatandaan ng scam para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa posibleng panloloko. Elder Abuse Awareness Month ang Hunyo, kaya perpektong panahon ito para kausapin ang mga mahal mo sa buhay at tulungan silang alamin kung paano tutukoy ng panloloko.
Mga master manipulator ang mga scammer. Baka narinig mo na ang “grandparent scam” na nambibiktima ng matatanda at nagtatangkang pagsamantalahan ang kanilang mga emosyon. Makakatanggap ang isang lolo o lola ng tawag nang dis-oras ng gabi mula sa isang taong nagpapakilalang apo. Sasabihin ng caller na nagkaproblema siya sa ibang bansa, at kailangan niya ng perang pantubos, at kailangan nila itong isikreto sa iba pang miyembro ng pamilya. Sasabihin ng caller kung saan ipapadala ang pera, at maraming lolo’t lola ang hindi mag-aatubiling sumunod. Siyempre, wala naman talagang emergency at ligtas naman talaga ang apo; ang scammer ang tatanggap ng pera sa halip na apo.
Kung may kilala kang lolo’t lola na may malalaki nang apo, ibahagi sa kanila ang mga tip na ito para tulungan silang makapaghanda:
- Unawain ang kapangyarihan ng suggestion.Likas ito sa tao. Ang kailangan lang sabihin ng scammer ay “Lolo?” At kadalasan, biktima na ang kukumpleto ng detalye: “Ikaw ba ‘yan, Josh?”
- Maging handa.Kayang pagdugtung-dugtungin ng mga scammer ang sapat na impormasyon tungkol sa iyo at pamilya mo mula sa internet at social media para mapaniwala ka niya sa telepono na kamag-anak mo siya. Gumawa ng maikling listahan ng mga partikular na tanong na pamilya mo lang ang makakasagot para matiyak na hindi scammer ang kausap mo.
- Palaging mag-verify.Isulat ang numero pero huwag magpadala ng kahit na ano hangga’t hindi mo nakukumpirma mismo na may emergency talaga ang kapamilya mo. Tawagan o i-text ang iyong apo. Ang pinakamadaling paraan para mag-verify ay ang direktang pagtawag sa iyong apo sa karaniwan niyang numero ng telepono.
- Tawagan agad ang mga magulang.Nagtitiwala ang scam artist sa katapatan mo para makakuha siya ng pera. Huwag hayaang i-pressure ka niya.
Kung may kilala kang nakatanggap ng mga ganitong tawag sa telepono at nagpadala ng pera sa pamamagitan ng Western Union, iulat ito agad.
Magandang paraan ang Western Union para magpadala ng pera sa mga kapamilya at kaibigan, pero hindi ka kailanman dapat magpadala ng pera para sa isang urgent na sitwasyon nang hindi muna sinisigurado kung totoong emergency ba ito. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga karaniwang scam, bisitahin ang Fraud Awareness Center ng Western Union.