Malapit nang mag-summer holidays, ibig sabihin, panahon na naman para manamantala ang mga scammer sa vacation rental rush. Pero huwag mag-alala, sa tamang impormasyon, makakaiwas ka sa mga scammer at makakapag-focus ka sa paggawa ng memories.
Paano ko malalaman ang isang rental scam?
Mahirap matukoy ang mga rental scam sa unang tingin. Kung babasahin mong mabuti ang listing, mas malalaman mo kung scam ito. Narito ang ilang pangunahing factor na dapat bantayan:
- Hindi makatotohanan ang pagiging mura: Ino-offer sa napakamurang halaga ang isang napakalaking property o property na nasa isang magandang lokasyon o sasakyan, lalo na kung ikukumpara sa iba pang katulad na listing. Ang mga hindi makatotohanang murang offer ay karaniwang pagtatangkang kunin ang atensyon mo.
- Bayad muna bago tingin: Makikipag-usap ka sa isang lister para tingnan pa ang property, pero maniningil muna siya ng advanced na bayad. Hindi ka pipilitin ng mga lehitimong landlord na magbayad agad o mag-money transfer kapalit ng higit pang detalye.
- Mga hindi propesyonal na listing: May nakita kang listing, pero hindi nakalagay doon ang lahat ng detalye, at generic ang mga sagot na nakukuha mo mula sa lister. Mag-ingat sa mga ganoong listing, pagtatangka ang mga iyon na mang-scam.
Mga tip to #BeFraudSmart at para makaiwas sa mga rental scam:
- Mag-research: Bago ka mag-book ng property, i-check at i-verify ang lahat ng impormasyong mahahanap mo sa pamamagitan ng online search. Maghanap sa mga public record at mag-request ng video call para makita ang interior ng property. Huwag mag-atubiling ipa-verify sa may-ari ang kanyang identity at mga detalye ng property.
- Bumisita: Pinakamaganda kung makakapunta ka mismo sa property na rerentahan mo. Kapag sigurado ka na, tsaka ka mag-confirm o magbayad.
- Gumamit ng mga verified na website: Kapag nagrerenta, gumamit ng mga kilalang rental platform na may mga user review at secure na payment system. Kung kahina-hinala o masyadong maganda para maging totoo ang listing, huwag makipag-ugnayan at i-report ito kung posible.
- Huwag magmadali: Magbayad lang kapag na-check mo na nang mabuti ang mga detalye at impormasyon. Kung namimilit ang isang lister para makapagdesisyon ka agad, huwag bumigay. Huwag magmadali at HUWAG magpadala ng pera gamit ang mga hindi mapagkakatiwalaang method.
Bilang panghuli, kung gusto kang pagbayarin ng scammer gamit ang Western Union, i-report ito online at titiyakin namin na gagawin namin ang mga kinakailangang hakbang para pigilan ito.
Palaging maging mapagbantay kapag naghahanap ng mga rental option sa internet. Tandaan ang mga tip na ito para sama-sama tayong maging mas matalino at mas ligtas.