Ginagamit ng mga scammer ang tax season bilang oportunidad para nakawin ang pinaghirapan mong pera. Mula panggagaya sa mga government official hanggang sa pamemeke ng mga email at tawag sa telepono, nakikipag-ugnayan sila sa atin kahit saan.
Kaya nating harapin ang kahit na ano kung magtutulungan tayong lahat para maging mas matalino at mas safe. Paano? Sa pamamagitan ng pagiging mas mautak sa kanila.
Mag-imbestiga at mag-verify
Puwede kang kontakin ng isang scammer sa mga ganitong dahilan:
• Pagbibigay ng tax refund.
• Paniningil ng tax payment para maiwasan ang mga penalty.
• Pagsasabing overdue na ang isang tax payment.
• Paghingi ng donasyon sa mga charity kapalit ng mga hindi totoong tax benefit.
Tandaan, huwag kailanman magbigay ng personal na impormasyon gaya ng mga detalyeng nasa government-issued ID mo maliban kung independent mong na-verify ang pagiging lehitimo ng tao o entity na humihingi nito. Kadalasan, nananakot at nang-aapura ang mga scammer para pilitin ang mga tao na magdesisyon nang biglaan. Tiyakin palagi na nabibigyan ng priyoridad ang privacy mo.
Ipapaalam sa iyo ang anumang impormasyong nauugnay sa mga buwis gamit ang mga opisyal na email address at website ng pamahalaan. HINDI kailanman ipinapadala ang mga totoong komunikasyon tungkol sa buwis sa mga hindi opisyal na channel gaya ng mga text, email, o tawag, at hindi nagbabanta o naniningil ng agarang bayad ang mga government official sa pamamagitan ng mga money transfer o prepaid card.
Bago kumilos, i-double check ang source.
Ilang tip para makaiwas sa mga scammer at manatiling safe:
• I-check ang email address. Mula dapat ito sa isang opisyal na domain ng pamahalaan.
• Huwag kailanman mag-click ng mga link na mula sa isang hindi kilalang sender.
• Huwag mag-share ng mga kumpidensyal na detalye tungkol sa bank account o card sa kahit na sino, lalo na kung para sa buwis.
• Palaging i-check ang status ng mga tax refund at return mo nang direkta sa mga opisyal na website ng pamahalaan.
Kung sinisingil ka ng isang scammer gamit ang Western Union, tawagan ang aming hotline sa 1800 1027111 o i-report ito online at titiyakin naming gagawa kami ng mga kinakailangang hakbang para pigilan ito.
Kapag sama-sama, kaya nating utakan ang mga scammer. Pataasin ang kaalaman tungkol sa mga ito sa pamamagitan ng pagre-report ng mga potensyal na scam. #BeFraudSmart.