Sa fast-paced na digital world ngayon, napakadali nang magpadala ng pera sa mga kaibigan at kapamilya. Sa ilang click lang, mabilis at convenient kang makakapag-transfer ng pera. Pero mahalagang manatiling matalino at protektahan ang pinaghirapan mong pera laban sa mga posibleng investment scam. Kadalasan, nangangako ang mga scammer na ito ng malalaking kita o nagbibigay ito ng garantiya ng returns na masyadong malaki para maging totoo.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa ilang karaniwang uri ng investment scam at pagsasagawa ng ilang simpleng hakbang para sa pag-iingat, mae-enjoy mo ang mga benepisyo ng mga online money transfer nang hindi nasa-scam.
Kung mas malaki ang pangako, mas malamang na hindi ito totoo: Nangangako ang Ponzi schemes ng matataas na tubo sa mga naunang investor gamit ang pera ng mga bagong investor, hindi mula sa mga tunay na kita. Basahin ang tungkol sa Bernie Madoff scheme, isang classic na halimbawa.
Ginawa para gumuho: Sa pyramid schemes, kumikita ang mga tao sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mga bagong miyembro sa halip na magbenta ng mga aktuwal na produkto o serbisyo. Para alamin ang higit pa, basahin ang tungkol sa .
Goodbye advance payment: Sa mga advance payment scam, sisingilin ka muna ng advance na bayad kapalit ng mas malaking kita sa susunod, pero hindi mo ito kailanman matatanggap. Basahin ang mga Nigerian prince scam.
Hindi porke’t pamilyar ay safe na: Sa affinity scams, pinupuntirya ng mga manloloko ang mga partikular na grupo, gaya ng mga religious o community group, para makuha ang tiwala ng mga tao para mag-invest sila. Nagbibigay sila ng maling sense of familiarity para makuha nila ang tiwala mo. Magbasa pa rito.
Click, lugi, repeat: Sa mga forex at crypto scam, minamanipula ng mga platform ang trading o hindi ka pinapayagang i-withdraw ang pera mo gaya ng ipinangako. Niloloko ng mga pekeng online trading website at app na ito ang mga investor sa pamamagitan ng pag-claim na walang risk at madali ang pag-invest.
Kadalasan, nangangako ang forex scams ng mataas na kita sa foreign exchange trading, karaniwan sa pamamagitan ng mga hindi regulated na broker. Lubos na sopistikado ang mga scam na ito, na kadalasan ay gumagamit ng social media, mga pekeng testimonial, at mga website na propesyonal ang dating para manloko ng mga investor.
Parami na rin nang parami ang mga pekeng cryptocurrency o mapanlokong initial coin offering (ICO). Alamin ang 10 nangungunang senyales ng pekeng forex trading at scam crypto.
Mga ‘not-so-real’ estate investment: Gumagawa ang mga scammer ng mga pekeng real estate investment opportunity. Posibleng sobrang mura ng mga property listing kumpara sa market price. Puwede rin silang magsinungaling tungkol sa mga totoong listing sa pamamagitan ng pag-post ng mga duplicate ad sa mga property website para nakawin ang pera mo.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto: May mga scammer na nagbebenta ng mga peke o overpriced na commodity o non-existent na metal sa pamamagitan ng mga pekeng pangako. Ilan sa mga halimbawa nito ay pagbebenta ng mga pekeng gold bar, walang kuwentang alahas, pekeng precious gems, at rare coin sa napakatataas na presyo.
Palaging pag-ingatan ang pera mo. Kung masyadong maganda ang isang investment para maging totoo, o kung pinipilit kang mag-invest agad, malamang na isa itong scam. Magsagawa ng malalim na pananaliksik sa investment opportunity, kabilang ang tungkol sa kumpanya o platform na nag-aalok nito, track record nito, at regulatory status nito. Palaging i-verify kung lehitimo ang anumang ibinibigay na claim.
Alamin kung paano uutakan ang mga scammer sa pamamagitan ng mga taktikang ito to #BeFraudSmart. Pag-usapan natin ang art ng matalinong investing.
- ✓ I-check ang regulatory status: Tiyaking i-verify kung rehistrado o lisensyado sa mga naaangkop na hurisdiksyon ang investment at ang mga indibidwal o firm na nag-aalok nito. Halimbawa, sa United States, puwede mong gamitin ang mga tool gaya ng EDGAR database ng SEC o BrokerCheck ng FINRA. Maghanap ng mga resource na partikular na pinapangasiwaan ng mga regulatory body ng bansa mo.
- ✓ Huwag pagkatiwalaan ang mga hindi makatotohanang mataas na return: Pagdudahan ang mga investment na nangangako ng matataas na return nang walang masyado o wala talagang risk. Kung masyadong maganda ang isang investment para maging totoo, malamang na hindi ito totoo.
- ✓ Unawain ang mga risk: Maglaan ng panahon para unawain ang mga risk na kaakibat ng anumang investment. Palaging may kaakibat na risk ang mga lehitimong investment, at dapat mag-ingat sa anumang investment na nangangako ng mga garantisadong return.
- ✓ Iwasan ang pamimilit: Mag-ingat sa mga investment na mag-aapura sa iyo o kung saan kailangan mong maglihim. Kadalasan, minamadali ka ng mga scammer para hindi ka makapag-research.
I-verify ang mga credential at background ng mga indibidwal na nag-aalok ng investment. Humanap ng mga reference at review mula sa mga mapagkakatiwalaang source, kaibigan, at kapamilya.
Gaano man nakaka-tempt ang deal, iwasang magbahagi ng mga sensitibong personal na impormasyon o pinansyal na detalye maliban kung nakatitiyak ka sa pagkakakilanlan at pagiging lehitimo ng recipient. - ✓ Kumonsulta sa mga industry expert: Ikonsidera ang paghingi ng payo sa isang lisensyadong financial advisor o investment professional bago gumawa ng anumang malaking desisyon sa investment.
Kung parang may mali o kung nagdududa ka tungkol sa isang investment opportunity, magtiwala sa kutob mo at mag-research nang mabuti hanggang sa masagot ang lahat ng tanong mo. Manatiling updated sa mga karaniwang investment scam at fraud alert.
Manatili tayong mas matalino at mas ligtas sa pamamagitan ng pagtutulungan.