Tumanggap ng Pera sa mga Mobile Wallet mo sa Pilipinas

Asia Pacific By Karen Santos May 8, 2020

Hindi makalabas ng bahay para kumuha ng padalang pera sa iyo sa Pilipinas? Walang problema; sagot ka ng Western Union.

Maginhawa mong makukuha nang diretso ang perang padala sa mobile wallet mo, mula sa bahay sa pamamagitan lamang ng ilang clicks.

Alamin ang tungkol sa kung paano ka makakatanggap ng pera gamit ang GCash, PayMaya, Coins.ph, USSC at PERA HUB mobile apps sa Pilipinas.

GCash:

  • Buksan ang GCash app na may kumpletong rehistradong profile
  • I-click ang Cash-In.
  • Piliin ang Remittance at piliin ang Western Union.
  • Ilagay ang MTCN na ibinigay sa iyo ng nagpadala, at ang halagang inaasahan mongmatanggap.
  • Suriin kung tama ang mga detalyeng ibinigay mo.
  • Makakatanggap ka ng mensahe sa app kasunod ng abiso na text na nagkukumpirma na nakumpleto na ang padalang pera.
  • I-click ito para makita kung paano gumagana ang buong proseso
  • Para sa higit na impormasyon, bisitahin ang GCash

PayMaya:

  • Buksan ang PayMaya app na may kumpletong rehistradong profile.
  • I-click ang Add Money sa ibabaw ng screen mo.
  • Piliin ang Western Union mula sa listahan ng mga Add Money Partners.
  • Ilagay ang MTCN na ibinigay sa iyo ng nagpadala.
  • Suriin ang mga detalyeng ibinigay mo at pagkatapos ay i-click ang Receive sa sa confirmation screen.
  • Makakatanggap ng in-app at SMS na kumpirmasyon ng matagumpay na resibo ng padalang pera.
  • I-click ito para makita kung paano gumagana ang buong proseso
  • Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang  PayMaya

Coins.ph:

  • Buksan ang Coins.ph app na may kumpletong rehistradong profile.
  • I-click ang Cash In.
  • Piliin ang Western Union.
  • Ilagay ang MTCN at inaasahang halagang ibinigay ng nagpadala sa iyo, pagkatapos ay i-tap ang Claim Funds.
  • Suriin kung ang impormasyong binigay mo ay tama, pagkatapos ay i-tap ang Receive funds.
  • Makakatanggap ka ng SMS at email na nagkukumpirma na ang pondo ay matagumpay nang na-credit sa Coins Wallet mo.
  • I-click ito para makita kung paano gumagana ang buong proseso
  • Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang Coins.ph

USSC:

  • Buksan ang USSC app na may kumpletong rehistradong profile
  • Piliin ang Western Union
  • Pumunta sa Receive tab
  • Piliin ang Panalo Wallet pagkatapos ay tukuyin ang PHP o USD na wallet
  • Ilagay ang MTCN
  • Ang One-Time Password (OTP) ay ipapadala sa mobile wallet ng tatanggap
  • Ilagay ang OTP sa kaukulang puwang para magpatuloy
  • I-click ang Receive kung ang lahat ng detalye ay tama sa screen ng buod
  • I-click ito para makita kung paano gumagana ang buong proseso
  • Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang USSC

PERA HUB:

  • Buksan ang iyong PERA HUB na mobile app na may kumpletong rehistradong profile
  • Piliin ang Receive Money
  • Piliin ang Paraan ng Pagtanggap: Receive via app
  • Ilagay ang MTCN
  • Ilagay ang impormasyon ng Tatanggap
  • I-click ito para makita kung paano gumagana ang buong proseso
  • Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang PERA HUB

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Western Union COVID-19 Resource Center.