Mag-ulat ng panloloko
Kung may scammer na nagsabi sa iyo na magpadala ng pera gamit ang Western Union, ipaalam sa amin.
Piliin ang bansa mo sa ibaba at tawagan ang aming fraud hotline.
Tawagan ang aming Fraud Hotline para sa
Sinusubaybayan namin ang mga trend sa panloloko at ginagamit namin ang aming kaalaman para tulungan ang iba na mautakan ang mga scammer.
Kapag may natanggap kang kahina-hinalang email, i-forward ito sa amin sa spoof@westernunion.com. Tandaang i-forward ang email nang walang binabago, HUWAG i-cut o paste ang mga content.
At, huwag mag-atubiling mag-file ng fraud claim o i-report ito sa mga awtoridad.
May bago kang nakilala sa social media, sa isang online forum, o sa dating website at sinabihan ka niyang magbayad para sa travel o iba pang gastusing pang-emergency.
Tip: Huwag kailanman magpadala ng pera sa taong hindi mo pa nakikita nang personal.
Kapag sinabihan kang magbayad in advance para sa isang loan, credit card, grant, investment, o pamana.
Tip: Iwasang sagutin ang mga message na nagmula sa mga hindi kilalang sender.
Nagpo-post ang mga scammer ng mga pekeng item para ibenta ang mga ito sa mga classified site o marketplace at sinasabihan nila ang mga buyer na magpadala ng pera.
Huwag mabiktima!
Tip: Mamili sa mga kilala at mapagkakatiwalaang website.
Kapag tinawagan ka ng isang kamag-anak na may biglaang emergency at kailangan mong magpadala ng pera NGAYON!
Tip:
Huwag mag-react, tumugon.
Magtanong ng maraming bagay para i-verify na kamag-anak mo nga talaga siya at i-verify ang emergency sa ibang kapamilya.
Kapag nagpapanggap ang isang tao bilang isang kaibigan, kapamilya, o mapagkakatiwalaang tao at inuuto ka niyang magpadala ng pera.
Tip: Itago at protektahan ang iyong personal na impormasyon.
Sinasamantala ng mga scammer ang mga panahong marami ang gustong magrenta ng property sa pamamagitan ng mga listing na pino-post sa sobrang murang halaga.
Tip: Gumamit ng mga verified na rental website at huwag magpadala ng pera gamit ang mga hindi mapagkakatiwalaang paraan.
Kapag may ‘boss’ na nagpadala ng tseke para sa ‘mga gastos na may kinalaman sa trabaho’ pero hihilingin niya sa iyo na ibalik ang pera.
Tatalbog ang tseke at ikaw ang mananagot para sa buong halaga.
Tip: Kapag pinadalhan ka ng tseke, hintayin muna itong ma-clear bago magpadala ng anumang pera (puwedeng mauna ang pondo, pero puwedeng umabot nang 10-14 na araw bago ma-clear ang mga tseke)
Nakatanggap ka ng ‘Congratulations, Nanalo Ka!’ nang walang dahilan.
Gusto ng mga scammer na pagsamantalahan ang kagustuhan ng mga tao na manalo sa lotto at sweepstakes.
Tip:
Alamin kung paano tutukuyin ang mga peke.
Kung lehitimo ang mga contest, direkta kang kokontakin gamit ang mga opisyal nilang channel.
Palaging mag-verify muna bago magpadala ng kahit magkano!
Iwasan ang mga scam!
Makakuha ng mga tip para maiwasan at mautakan ang mga scammer.
Matuto tayo at magbahagian ng kaalaman kung paano sama-samang magiging mas ligtas at mas matalino.
I-follow kami para manatiling updated sa mga pinakabagong paraan kung paano sinusubukan ng mga scammer na nakawin ang pera mo.